Handa ka na ba?
Basahin Natin
Ang Niyog
Puno ng buhay ang tawag sa Niyog. Ang katawan nito ay madalas gawing haligi ng bahay. Ang mga dahon ay maaring gawing palaspas o kayasin para maging walis tingting. Ang mga bunga ay may matamis na laman at tubig na ang tawag ay buko.