Handa Ka Na Ba Mag-Karoling? 🎵
Basahin Natin 📖
Limang araw na lang Pasko na. Nagkaroling kami nina Karla, Karmi, at Kaloy. Bawat bahay ay kinantahan namin. Dala namin ang lata, niyuping tansan, tinidor, at kutsara. Nakaipon kami ng sandaang barya.