Handa ka na ba?
Basahin Natin
Holen Ni Harry
Si Harry ay mahilig maglaro ng holen. Mayroon siyang sampung makukulay na holen. Inilalagay niya ang mga ito sa isang garapon. Tuwing hapon, naglalaro sila ng kaniyang mga kaibigan. Masaya si Harry kapag siya ay nananalo.